Tuesday, September 11, 2007



Makikisawsaw Lang!
Show Time Na!



I started this Blog of mine with all the kadramahan chuvannes and kaechusan all sort of Educational reading materials like parang Encarta Encyclopedia Cheneylyn Reynes and Purpose Driven Life dramatic literary musical contest raised to the highest level concerning to the emo-emosyunal side of mine matching the advices Eklavoo which I recently realized na di na siya masaya.

Pansamantala munang hihinto ang wholesome kong mundo at papasukin ko ang mundo ng mga kababalaghan dahil boring na, kaya maiba naman tayo right?

Truly periodic table of Elements and Multiplication table!


Stop me!!!!

Ayan na, nag tataglish na ako!!

Juice koh pong pineapple bayan!

Before I begin any further her is a notice to the Public:

The views and opinions of the Host does not necessarily reflect those of the Management, the Network and his fellow Bloggers. Whatever commentaries you read in this Blog does NOT also necessarily reflect that of the Host, the Management and the Network but those of the Bloggers opinion only.

Sa pagsisimula...

Aking napagtanto kamakailan lamang na mas masaya nga talaga ang makisawsaw sa Hot Issues happening around the Call Center Chismax Showbizlandia!

Ito ay kasing-sarap ng Tempurang mainit na mainit na isinawsaw mo pa ng dahan dahan sa sangdamakmak na
Hot Sauce with bits and pieces of sliced red chili! Sizzling at nakakapaso! hehehe

Di ba't napaka inviting ng ganitong mga sitwasyon kung saan nagsisiumpukan ang bawat empleyado sa isang sulok ng opisina at animo'y may pinagkakaguluhang pinapautang na puto o di kaya'y datung na 10 percent na interes, o maaaring sabon na pampaputi o kit na pang derma?

Sa kabila ng lahat ng ito, may mas impotanteng pinag-uusapan ang bawat isa, mas mahalaga sa Puto o di kaya sa
Glutathione...hehehehe

Mas mahalaga, at mas nakakatuwa!!!! whaaaaaa!!!

Ito rin ang rason kung saan ang nanay, si lola,si ate at ang bakla mong bunsong kapatid, si tito at tita, ang mga parlorista, maging si tatay o mga tambay pati na rin ang mga tindera ng tahong at galunggong ay nakatutok sa harap ng telebisyon pagsapit ng ika alas-kwatro ng hapon ng Linggo.

Kung ano man ang nasa isip nyo,...mali kayohindi ito SEX at hindi rin ito Laban ni
Paquiao at Morales dahil kadalasan alas dyes ng umaga ng Linggo ito nagsisimula at natatapos ng ala-una ng hapon! Nyahahaha

Kung di mo parin gets eh di wag ka na lang magbasa hanggang sa huli kasi marahil nahihirapan kang umintinde at kailangan mo pa sigurong kumunsulta sa grade two teacher mo tungkol sa paksa ninyo on Reading Comprehension! hehehehe

Hay naku, OO,
CHISMAKAN na!!!!
Samakatuwid oras na nga ng
THE BUZZ!!! o SHOWBIZ CENTRAL na!!!!

Yes, it is indeed truly, naging parte na nga ng buhay nating mga Pinoy ang Tsismis at naging institusyun na nga rin sina Lolit Solis, Kris Aquino, Butch Francisco, Boy abunda at Jobert Sucaldito ng dahil dito! Korek??

Personaly, masaya nga naman, di ba? Nakakalibang at nakakapanghinayang kung ikaw man ay mahuli sa balita pagdating ng Lunes ng gabi sa trabaho at wiz ka knows kung ano ang mga pasabog na hot chismz sa The Buzz nung Linggo.

Maging ako ay naoobliga na rin at dapat nakatutok dito at kailangan di mamiss ang programang kagaya nito pati na rin kung ano na naman ang isusuot ni Kris Aquino o ni Ruffa Guttierez! hehehehe

Sa simula ng partikular na programang ito ay may inilalabas na mga ebidensya ang mga Host kagaya ng video grab, litrato, documento o maging isang artikulo sa isang peryodiko. Unti-unting hinihimay-himay ang bawat istorya mula sa mga ebidensya at isa isang inaalam ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari.

Hindi ba't nakakintriga??

Hindi ba't nakakapang-abang?

Toinks!!

Actually binibigyan ko lang kayo ng background ng show, di naman talaga ito ang totoong write up ko!

Bleeeh!

Nyahahaha

Segway tayo...

Fast forward na ito!!!!

Dyandyarannnn!!!

Zingggggggggg!!!!

Hehehehe

Ayan, ito na tayo sa Studio 3 ng Dyeah-Ehhm-Say-Ayyy!! kung saan nagsisilabasan ang mga Blind Items at isa ako sa mga nacurious at nagtataka kung bakit pinagkakagaluhuhan ito at mabentang-mabenta sa masa na parang Bandera at Halinghing na tabloid sa kalye.

Sa totoo lang ha, nakikitsismis din pala ako! hehehe
Kaya nga nakikisawsaw eh.Nyahahaha

May mga karakter katulad ni Iyoy Pepito at Margarita. Pawang mga kinatha para mabigyang kulay ang kwento sa ibabaw atop at sa kasagingan. Pati na rin ang taxi driver na nagbyahing langit at nakatikim ng mainit na sabaw na puno ng gulay at naging makulay ang buhay!

Ito ang mga tauhan sa mga pangyayari na nagsimula ng mga ugong ugong at halikhikan sa colcenter. Mga kaganapan na pilit pang inaabangan ng mga nakararami. Marami ang nag-aabang sa mga kasunod na kwento.

Ano na kaya ang kasunod sa Adventures ni Iyoy Pepito at Margarita?

Sino nga ba si
Margarita?

Siya ba ay biktima ng panghuhusga o makasalanan nga ba? Charity Pakal!

Sadya nga bang malamig ang simoy ng hangin sa Kasagingan sa babaw atop??

Ngaa si tiyoy damu nabal-an nga mga kababalaghan?

May Third-eye kaya siya?? Charing!

Tuwing ano oras nga ba ang
Show Time?

Ngayong pumasok na ang tauhan ni Makisig sa kwento, nagbabadya ba ito ng isang malaking kaguluhan o conflicto??

Sino pa kaya ang mga susunod na magiging cast sa kwento?

Ano nga ba ang mga katotohan sa likod ng bawat istorya?

Ang lahat ng ito ba ay pawang gawa gawa lamang o di kaya ay may pinaghuhugutan na isang matinding emosyun?

Nasaan ang mga ebidensya?? Charot??

Sapat bang paniwalaan natin ang mga kwento ni Tiyoy Pepito?? Charing kanding kag kuring lang!! hehehehe Of Course!!!

Ilang tarugimbels at gaano kalaki kaya ang matitikman ni Amethyst?

Kelan kaya Mahahawi ang Ulap sa Ibabaw atop at magkano kaya ang isang piling ng saging na galing sa kasagingan?


Ito ang mga katanungan na bumabagabag sa isipan ng nakararami at maging sa aking sarili.It's like tutukan niyo dahil taga
Showbiz Central ka na talaga ang lagay ngayon!Mainit na mainit, straight from the horses mouth ang bawat detalye. Nakakapangamot tuloy ng itlog minsan at di maiwasang maglaway habang binabasa ang mga ito! hehehe


Lahat nito iimbestigahan at hihimay himayin!

Abangan!!!! Susunod!!!!
Sawsaw na dahil Show Time Na!!!







By: Manuel Dayrit

Secretary of Health of the Philippines



No comments: